-- Advertisements --
Tiwala ang World Health Organization (WHO) na agad na malalagpasan ng Africa ang pagkalat ng Ebola virus.
Kasunod ito sa muling pagdeklara ng bagong outbreak sa northwestern Equateur Province.
Ito na ang pangatlong outbreak sa probinsiya mula noong 2018 at ika-14 Ebola outbreak sa bansa mula noong 1976.
Sinabi ni Dr. Matshidiso Moeti, WHO Regional Director for Africa, na mayroong magagaling doctor ang nasa Democratic Republic of Congo.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroong isang kumpirmadong kaso ang naitala.