-- Advertisements --
Tinanggal na ng World Health Organization (WHO) ang pagkakaiba sa pagitan ng endemic sa non-endemic na bansa na dinapuan ng monkeypox virus.
Ayon sa WHO na hindi lamang sa Western at Central Africa makikita ngayon ang nasabing sakit.
Base kasi sa pinakahuling pagtaya ng WHO na makikita na ito sa maraming bansa sa Europa.
Ang hakbang na pagtanggal na ng endemic ay para magkaroon ng iisang paraan ng pagresponde nila sa nasabing virus.
Mula Enero hanggang Hunyo 15 ay aabot na sa 42 na bansa ang nagtala ng nasabing monkeypox.
Nauna rito magsasagawa ngayong linggo ng pulong ang WHO para mai-classify ito bilang public health emergency of international concern.