-- Advertisements --

Hinikyat ni World Health Organization Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus ang mga bansa na iwasan na ang pamumulitika at tutukan ang laban sa coronavirus.

Reaksyon ito ng WHO director general sa naging pahayag ni US President Donald Trump na pinapanigan ng WHO ang China sa pagiging mabilis daw nila sa pagresponde sa pandemic.

Dagdag pa nito na walang makukuhang tama kung paiiralin ang pamumulitika kaya mabuti na magkaisa na lamang.

Magugunitang nagbanta rin si Trump na kaniyang tatanggalin ang pagpopondo sa WHO.