Lumampas na sa 7,000 ang kumpirmadong kaso ng ebola sa Democratic Republic of Congo, habang kumalat na ang virus sa isang bagong probinsya, ayon sa datos ng pamahalaan.
Umabot na sa 7,022 ang confirmed cases at 3,398 ang nasawi sa pitong probinsya.
Ang outbreak, na dulot ng bundibugyo species ng ebola, ay nalampasan na ang 2018 hanggang 2020 epidemic at itinuturing na pinakamalaki at pinakanakamamatay na outbreak sa kasaysayan ng Congo.
Kabilang sa mga bagong naapektuhan ang south ubangi sa hilagang-kanluran ng bansa, malayo sa epicenter ng outbreak.
Isang 23-anyos na lalaki na namatay nitong martes ang nagpositibo sa virus matapos bumiyahe mula South Kivu noong hulyo 10 at muling pumasok sa Congo bago makarating sa South Ubangi.
Sinimulan na ang contact tracing sa unang kumpirmadong kaso sa South Ubangi.
Ayon naman sa World Health Organization, nahahadlangan ang pagpapalawak ng ebola response dahil sa kakulangan ng trained personnel, operational partners at pondo.
















