-- Advertisements --
Nagsagawa ng World Health Organization (WHO) ng emergency meeting para talakayin ang outbreak ng monkeypox o isang viral infection na makikita sa west at central Africa,matapos na magtala ng mahigit 100 kaso ang nakumpirma sa Europa.
Base kasi sa WHO na kumalat na mayroon ng mga kaso ang naiulat sa Belgium, France, Germany, Italy, Portugal, Spain, Sweden at United Kingdom, ganun din sa US, Canada, at Australia.
Tiwala din ang mga eksperto ng WHO na hindi gaano mapaminsala ito kumpara sa COVID-19 na mabilis na kumalat.
Mula pa kasi noong 1970 ay mayroon ng naitalang monkeypox sa 11 African countries.
Magugunitang unang kasong nakumpirma sa Europe ay noong Mayo7 mula sa isang indibidwal na umuwi sa England matapos magbakasyon sa NIgeria.