-- Advertisements --
Nagbabala naman ang World Health Organization (WHO) na mas maraming mga tao sa Gaza ang mamamatay sa sakit kaysa sa mga nagaganap bombahan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Ito ay kapag hindi naibalik sa normal operations ang mga health system sa lugar.
Maraming mga sakit ang maaring maranasan ng mga residente doon dahil sa kawalan ng sapat na health facilities na nasira dahil sa kaguluhan mula pa noong Oktubre 7.
Sinabi ni WHO spokeswoman Dr Margaret Harris na sa mga shelters ay may mga naitalang outbreak ng infectious diseases gaya ng mga diarrehea sa mga bata edad lima pataas.
Base rin sa pagtaya ng United Nations na sa kasalukuyan ay mayroong limang pagamutan sa Northern Gaza ang nananatiling operationals.