-- Advertisements --

Nangangamba ang World Health Organization (WHO) na tataas pa ang bilang mga nasasawi sa Gaza matapos na maraming mga pagamutan doon ang pinutulan ng suplay ng kuryente.

Isang naapektuhan ang Al Shifa hospital na siyang pinakamalaking pagamutan sa Gaza.

Pinutol kasi ng Israel Defense Forces ang pagsuplay ng krudo sa pagamutan para magamit sa kanilang generator matapos na makakuha ng impormasyon na doon nagkukuta ang mga lider ng Hamas militants.

Itinanggi naman ng mga opisyal ng pagamutan kung saan nangangamba sila na dahil sa kawalan ng krudo ay hindi na magagamit ang mga incubator para sa mga premature na mga sanggol.

Magugunitang mas pinaigting ng Israel ang kanilang pag-atake sa Gaza laban sa mga Hamas militant group.