-- Advertisements --

Binigyan na ng World Health Organization (WHO) ng emergency use authorization ang Sinopharm.

Ito ang kauna-unahang Chinese COVID-19 vaccine na nakatanggap ng pag-apruba mula sa DOH.

dr tedros WHO COVID 19
WHO director general Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus

Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang nasabing Chinese drug company ang siyang pang-anim na COVID-19 vaccine na nakatanggap ng validation for safety, efficacy at quality.

Inirekomenda rin ng Strategic Advisory Group of Experts on Immunization (SAGE) na ito ay ligtas na iturok sa edad 18 pataas na mayroong dalawang dose.

Magugunitang unang nabigyan ng emergency ang mga bakuna na gawa ng Pfizer, BioNTech, Moderna, Johnson and Johnson at AstraZeneca.

Bukod kasi sa China ay ginagamit ang Sinopharm sa mga bansa gaya ng Algeria, Cameroon, Egypt, Hungary, Iraq, Iran, Pakistan, Peru, United Arab Emirates, Serbia at Seychelles at ibang mga bansa.