-- Advertisements --

Pansamantalang sinuspendi ng game officials ng Cincinnati Open ang laro nina Pinay tennis star Alex Eala at Elena-Gabriela Ruse dahil sa nagbabadyang malakas na pag-ulan.

Nabalutan ng maitim at makapal ulap ang court kaya nagpasya ang mga opisyal na itigil ang laro.

Hawak ni Eala ang panalo sa unang set 6-1.

Habang nasa 3-0 na ang kalamangan ni Eala sa ikalawang set ng itinigil ang laro.

Iaanunsiyo ng organizers kung kailan itutuloy ang nasabing laro.