-- Advertisements --

Inirekomenda ng World Health Organization (WHO) ang paggamit ng COVID-19 vaccine mula sa French drugmaker na Valneva.

Ayon sa WHO na maaari din itong magamit bilang second booster dose sa mga indibidwal na mayroong mataas na severe diseases.

Paglilinaw naman ng WHO na hindi pa nila ito inirerekomenda na iturok sa lahat ng mga adults at ang tanging layon nito ay para maiwasan ang pagkakamatay dahil sa nasabing sakit.

Isinagawa ang rekomendasyon matapos ang ginawang Strategic Advisory Group of Experts (SAGE) on immunization noong nakaraang linggo.