-- Advertisements --

Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang White House sa mga gumagawa ng bakuna para sa pagsasagawa ng bagong bakuna na kayang labanan ang Omicron variant ng COVID-19.

Ayon kay White House COVID-19 response coordinator Jeff Zient na nakahanda sila sakaling kailangan ang pagbabago ng mga bakuna.

May mga contigency plan aniya sila sa modifications ng mga bakuna o booster.

Sang-ayon din ito sa pahayag ng US Food and Drugs Administration (USFDA) na ang paggamit ng RT-PCR test ay epektibo para agad na malaman na mayroong Omicron variant ang isang tao.