-- Advertisements --
Nalagpasan na ni Russel Westbrook ang nagawang triple-doubles record ni NBA legend Oscar Robertson.
Naitala kasi ng Washington Wizards star ang kaniyang 182 triple-doubles record kahit na natalo sila sa Atlanta Hawks 125-124.
Nagtapos sa kabuuang 28 points, 13 rebounds at 21 assists si Westbrooks.
Ito na rin ang kaniyang ika-36 na triple-double ni Westbrook sa 62 laro nito ngayong taon.
Binati agad siya ng 82-anyos na si Robertson matapos makuha ang nasabing record.
Nasa pangatlong puwesto naman sa may pinakamaraming tripile-double ay si Magic Johnson na mayroong 138, pang-apat si Jason Kidd na mayroong 107 at pang-lima si LeBron James na mayroong 99.