-- Advertisements --

Isasagawa sa araw ng Sabado, Sept. 19, ang panibagong Nationwide Coastal Cleanup o paglilinis sa mga dalampasigan sa buong bansa.

Sa Pilipinas, pangungunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang cleanup na may temang ‘Clean Seas for Resilient Communities’.

Batay sa inilabas na plano, isasagawa ang sabayang cleanup sa mga piling coastal at waterway sites sa 17 rehiyon sa buong bansa.

Ito ay bilang pakikibahagi ng PH government sa Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month o MANA Mo 2026.

Ayon sa DENR, ang magsisilbing flagship activity ay isasagawa sa Baseco Beach sa Port Area, Manila, kung saan magsasama-sama ang DENR, mga lokal na pamahalaan, komunidad, volunteers, at private-sector partners para alisin ang marine litter.

Samantala, isasabay din ng DENR ang Upcycle and Circularity Expo na magtatampok ng mga kompanya at organisasyong gumagawa ng mga produkto mula sa discarded materials.

Ito ay pagsuporta sa mas sustainable na waste management, sa hangaring matugunan ang labis na pagkalat at pagdami ng basura sa Pilipinas.