Harvey Weinstein
Weinstein/ FB photo

Nagkasundo ang dating film producer Harvey Weinstein at mga biktima nito sa aregluhan.

Ayon sa abogado ni Weinstein na si Adam Harris, aabot sa $44 million ang halaga ng areglo sa civil case.

Nakatakdang humarap naman ang 67-anyos na si Weinstein sa korte sa darating na Hunyo sa New York para sa pagdinig ng kaniyang kasong panggagahasa sa dalawang babaeng biktima.

Nauna rito mariing itinanggi nito ang mga alegasyon laban sa kaniya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here