BACOLOD CITY – inutuloy parin ni 2019 South East Asian (SEA) Games Weightlifting gold medalist Kristel Macrohon ang kanyang ensayo sa kabila ng kirot na nararamdaman dahil sa kanyang enjury at kakulangan ng gamit sa Weightlifting dahil hindi rin siya maka labas at maka punta sa gym.

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Kristel, naiisipan niyang ding sumuko ngunit pinapaalala niya sa sarili na may laban siyang pinaghahandaan kaya kinakaya niya ang sakit at pagod na nararanasan.

Sumusunod din naman aniya siya sa payo ng kanilang coach at doktor para hindi lumala ang kanyang injury at magkaroon ng tiyak na chance na makasali sa Tokyo Olympics qualifying games.

Sa araw-araw aniya ay may mga oras na paghirap siya ay naiisipan niyang sumuko pero pinapaalala niya parin sa sarili na bahagi lang yon ng pagsubok sa kanya bilang atleta.

Nais niya rin ipakita sa mga kasamahan na lumalaban siya para palakasin din ang loob nila.