-- Advertisements --
Posibleng hindi na gaanong lumakas ang dalang hangin ng namumuong sama ng panahon sa silangan ng ating bansa.
Pero ayon sa Pagasa, malawakan pa rin ang mararanasang ulan dahil sa makapal na ulap na dala ng weather disturbance formation.
Huling namataan ang low pressurea area (LPA) sa layong 75 km sa hilaga hilagang silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Inaasahang magiging ganap na bagyo ito sa loob ng susunod na 24 oras, kung saan bibigyan ito ng local name na “Tonyo.”
Kabilang sa mga maaapektuhan ng ulan mula sa namumuong sama ng panahon at extension nito ang Bicol region, Central Luzon, CALABARZON, Aurora, Metro Manila, MIMAROPA, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Visayas at Mindanao.