-- Advertisements --

Inanunsiyo ng San Juan City government na magbabalik ngayong taon ang “Wattah Wattah Festival” o ang pagbubuhos ng tubig sa mga dumadaan at mga residente.

Ang nasabing kasiyahan ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapiyestahan ng kanilang patron na si St. John the Baptist sa June 24.

Sinabi ni San Juan City Mayo Francis Zamora na marami sa kaniyang mamamayan ang nasasabik sa nasabing kasiyahan matapos na hindi ito natuloy ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Base kasi sa Inter-Agency Task Force na papayagan ang ganitong kasiyahan kapag ang lugar ay nasa ilalim ng Alert Level 1.

Ipinagmalaki pa ng alkalde na mahgiit 200 percent ng kaniyang mamamayan ay fully faccinated na at mayroong 85 percent sa mga ito ay nakatanggap na ng booster shots.

-- Advertisement --

Pinaalalahanan din nito ang mga mamamayan na patuloy ang pagsunod nila ng minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng facemask.