-- Advertisements --

Magpapatupad ng bawas-singil sa bayarin sa tubig ang Maynilad at Manila Waters simula Enero 1, 2021.

Ayon sa kanilang abiso, 14 sentimos kada cubic meter ang magiging tapyas ng Manila Water at singko sentimos naman sa kada cubic meter ang para sa Maynilad.

Nilinaw naman nilang wala itong kaugnayan sa sunod-sunod na water interruption, dahil sa maputik na tubig, makaraang ang bagyong Ulysses.

Ayon sa mga water concessionaires, ang bawas singil ay dahil sa “foreign currency differential adjustment.”

Resulta umano ito ng paglakas ng piso kontra sa US dollar at Japanese yen.