-- Advertisements --

Naghahanda na ang mga fans ng Golden State Warriors sa gagawin nilang victory parade matapos makuha ang kampeonato sa NBA ng talunin nila ang Boston Celtics.

Magiging maiksi lamang ang parada na aabot sa mahigit isang kilometro pero magiging magarbo ang isasagawang programa matapos na makuha ang ikaapat na kampeonato sa kasaysayan ng koponan sa loob ng walong taon.

Tiniyak ng San Francisco Police Department ang paglalagay nila ng mahigpit na seguridad sa kapaligiran ng Chase center ang lugar kung saan gaganapin ang ilang programa matapos ang parada.

Gaganapin ang parada 11:20 ng umaga ng June 20 oras sa San Francisco.