-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Arestado ang 57-anyos na lalaki na wanted sa kasong rape sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Sitio Bantud, Brgy. Manocmanoc sa isla ng Boracay.

Ang akusadong si Johnny Galan Mariano, residente ng San Jose Romblon at pansamantalang naninirahan sa isla ay nahaharap sa kasong 2 counts of rape in relation to violation of section 10 ng RA 7610.

Si Mariano ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Bienvenido P. Barrios Jr., Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) 6th Judicial Region, Branch 3 ng Kalibo, Aklan.

Ipinalabas ang warrant noong Nobyembre 5, 2020 at walang piyansang inirekomenda para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Naaresto si Mariano sa bahay nito ng mga tauhan ng Malay Police Station.