-- Advertisements --

Nakalaya na si dating Akbayan representative at dating vice presidential candidate Walden Bello.

Ito ay matapos na maghain siya ng piyansa na nagkakahalaga ng P96,000.

Ayon sa kaniyang staff na si Leomar Doctolero, nagbayad si Bello ng tig-P48,000 para sa libel case at sa cyber libel case.

Naaresto si Bello dahil sa nasabing kaso na isinampa ni dating Davao City Information Officer Jefry Tupas na nagtrabaho sa ilalim ni Vice President Sara Duterte Carpio noong ito ay alkalde pa ng Davao City.

Inakusahan kasi ni Bello si Tupas na sangkot ito sa iligal na droga dahil sa nandoon umano ang Davao City information officer noong nagsagawa ng anti-illegal drugs ang mga otoridad.

Magugunitang inaresto si Bello nitong Lunes ng hapon na unang dinala sa Quezon City Police District at inilipat sa Camp Karingal.