-- Advertisements --
Walang Filipino ang nadamay matapos ang naganap na serye ng pag-atake sa pasilidad ng America sa Baghdad International Airport sa Iraq.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) , na sa walong pag-atake ng Iran na tinarget ang mga US diplomatic at logistic facility sa Baghdad International Airport noong Marso 22.
Kinumpirma rin ng Iraqi security officials na ang US diplomatic at logistics centers sa Baghdad airport ay inatake ng walong magkakahiwalay na beses.
Ginamitan ng Iran ng kanilang missiles at drones na nagresulta sa pagkasira ng ilang bahagi ng gusali.
Dahil na rin sa pangyayari ay isinara ng Civil Aviation Authority sa Iraq ang pagsara ng kanilang airspace ng hanggang Abril 2.















