-- Advertisements --
Nagdesisyon ang mataas na kapulungan ng Kongreso na huwag na munang magdaos ng plenary sessions sa unang linggo ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, bagama’t maaari namang idaan sa video conferencing ang regular sessions, may mga staff naman silang maoobliga pa ring pumasok sa kani-kanilang tanggapan at sa mismong plenaryo, para ihanda ang mga kailangan mula sa technical hanggang sa iba pang detalye ng araw-araw na aktibidad.
Nabatid na ilang ulit nang ini-lockdown ang Senado dahil sa mahigit 50 nagpositibo sa COVID-19, kasama na ang ilang senador.
Sa kabila nito, maaari pa ring ituloy ang ibang schedule ng Senado, lalo na ang online meetings at techniucal working groups.