Ibinunyag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na pinangalanan na ng detainee na si Ramil Madriaga, na nagpakilalang dating aide at bagman ni Vice President Sara Duterte, na pinangalanan na umano niya ang ilang kinontratang hitmen.
Ayon sa kalihim, posibleng ilabas ang mga ito sa mga susunod na testimoniya ni Madriaga sa hinaharap.
Matatandaan, nauna nang inakusahan ni Madriaga si dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa kaniyang paglalahad ng kaniyang suppemental affidavit sa impeachment hearing ng House Committee on Justice noong Martes, na nag-plano umano ang dating pangulo ng asasinasyon o hindi naman ay kudeta laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sakaling hindi siya bumaba sa pwesto pagsapit ng 2025.
Subalit, pinabulaan ng kampo ni VP Sara ang mga alegasyon ni Madriaga at tinawag bilang “pure fiction” at walang ebidensiya.
Sa panig naman ng Malacañang, ipinauubaya na nila sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagi-imbestiga sa mga rebelasyon ni Madriaga.
















