-- Advertisements --

Ipinauubaya na ni Vice President Sara Duterte sa kaniyang mga abogado ang paghawak ng impeachment case laban sa kaniya.

Ito ay matapos ngang tuluyan nang inimpeach ng Kamara ang Pangalawang Pangulo noong Lunes, Mayo 11, sa ikalawang pagkakataon.

Ayon sa Bise Presidente, mayroon siyang defense team at tagapagsalita para sa impeachment kayat ipinauubaya na niya sa kanila ang pag-komento sa usapin ng impeachment, na aniya’y isang legal na proseso.

Nang matanong naman si VP Sara sa isang panayam sa The Hague Netherlands kaugnay sa kaniyang nararamdaman matapos siyang iimpeach ng Kamara, tugon ng Bise Presidente na “wala siyang feelings” kaugnay sa impeachment.

Nauna na ngang sinabi ng mga abogado ni Duterte na nakahanda silang depensahan ang pangalawang pangulo sakaling umusad ang impeachment trial sa Senado.