Ipinahayag ni Vice President Sara Duterte ngayong Lunes na handa siya sa anumang magiging desisyon ng Senado kaugnay ng kanyang impeachment trial na pansamantalang itinakdang magsimula sa Hulyo, 2025.
Matatandaang in-impeach si Duterte noong Pebrero ng Kamara de Representates dahil sa lumalalim na hidwaan ng kanyang pamilya at ng Marcos clan, na dati niyang kaalyado.
Matapos bumoto sa kanyang presinto sa Davao City, sinabi ng bise presidente na kahit ano’ng mangyari umano ay handa nitong harapin.
Kung mapatunayang guilty ng mga senador, maaari siyang tuluyang tanggalin sa puwesto at pagbawalang humawak ng anumang pampublikong posisyon sa hinaharap.
Nilinaw ni VP Duterte na ang kanyang pangangampanya ay hindi para sa personal o pampamilyang isyu kundi nakatuon lamang sa usapin ng impeachment.
Bagama’t nauna nang nagpahiwatig ng interes na tumakbo bilang pangulo sa 2028 na tinawag naman ng Palasyo bilang maaga pa umano.
Samantala, sinabi rin ni VP Sara na ipinagpapasa-Diyos na niya ang kapalaran ng 10 kandidatong senador na sinusuportahan ng kanilang kampo, ngunit ibinunyag niya na sinabi niya sa kanyang ama, na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na “higit sa dalawa” sa mga ito ay may tsansang manalo.