-- Advertisements --

Sinagot na ni Vice President Department of Education Secretary Sara Duterte ang isyu hinggil sa lagay ng kanilang relasyon ni House Speaker Martin Romualdez.

Sa isang panayam sinabi ni VP Sara ang kasalukuyang relasyon niya sa Speaker of the House ay naka depende sa mga pahayag ni Sen. Imee Marcos na pinsang buo ni Speaker at kapatid ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Batay sa mga naging pahayag ni Sen. Marcos may mga patutsada ito sa Speaker.

Inihayag ng Pangalawang Pangulo na marami ang hindi nakakaintindi kung bakit niya inaatake ang kaalyado ng administrasyong Marcos.

Hindi naman sinabi ni VP Sara kung may kinalaman sa pagtaķbo nito sa susunod na halalan ang hindi magandang relasyon niya kay Romualdez.

Aniya di niya masabi kung ito nga dahil hindi naman sila close ni Speaker.