-- Advertisements --

VP

Vice President Sara Duterte itinalagang bilang officer-in-charge (OIC) ng bansa kasunod ng state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Indonesia at Singapore nitong linggo.

Ito ay batay sa isang kopya ng Special Order No. 75, na nagtatalaga kay Duterte bilang officer-in-charge, ay inilabas ng Office of the Press Secretary sa media noong Linggo, September 4,2022

Umalis si Pang. Marcos ng bansa patungong Indonesia upang ilagay ang Pilipinas sa isang posisyon kung saan mayroon tayong malakas na alyansa at malakas na pakikipagtulungan na kinakailangan para makalabas tayo sa post-pandemic na ekonomiya.

Pagkatapos ng kanyang pagbisita sa Indonesia, pupunta ang Pangulo sa Singapore kung saan inaasahang aani rin siya ng mga investment deal na naaayon sa mga prayoridad ng kanyang administrasyon.