-- Advertisements --
Tatayo bilang caretaker ng bansa si Vice President Sara Duterte.
Ito ay habang dumadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa US.
Magiging abala ang Pangulo sa US kung saan dadalo ito sa iba’t-ibang business meetings sa APEC Summit sa San Francisco.
Magtutungo din ito sa Los Angeles para makasalamuha ang mga Filipino community doon.
Sa huling bahagi ng biyahe ng pangulo ay tutungo ito sa Indo-Pacific command sa Honolulu at makakasama ang mga Filipino community doon.