Obligado si Vice President Sara Duterte at iba pang opisyal ng Office of the Vice President (OVP) na isauli ang ₱73,287,000 matapos ibasura ang kanilang apela sa notice of disallowance.
Ang naturang talaga ay parte ng ₱125 million confidential funds ng OVP para sa huling kwarter ng 2022
Sa pagdinig ng House Committee on Justice, sinabi COA’s Intelligence and Confidential Funds Audit Office Gloria Camora na hindi sumunod ang OVP sa joint circular, partikular sa kakulangan ng documentary evidence ng mga bayad.
Ayon kay Justice Committee chair Rep. Gerville Luistro, kasama rin sa dapat isauli ang ₱375 milyon mula sa confidential funds ng 2023 na na-disallow din ng COA.
Batay sa COA, ₱69.7 milyon ang disallowance dahil sa kawalan ng patunay sa intelligence operations, habang ₱3.5 milyon naman ay para sa mga kagamitang walang malinaw na kaugnayan sa confidential activities.
Samantala, maaari pa aniyang umapela ang OVP sa Korte Suprema, habang aantayin ng komite ang opisyal na kopya ng desisyon.
















