-- Advertisements --
Hindi itinanggi ni Vice President Leni Robredo na nauubos na ang kaniyang oras para sa desisyon nito sa 2022 elections.
Sa National Execuitve Council (NECO) meeting ng Liberal Party, ay hindi ikinaila ni Robredo bilang chairperson ng partido na kakatawanin niya ang layunin ng partido na bumuo ng liberal society at mapalitan ang kasalukuyang “anti-democratic, anti-rights, corrupt at self-serving na gobyerno.
Aminado pa ring bise presidente na wala pa itong solidong desisyon sa tatakbuhan nito sa 2022 elections.
Magugunitang iminungkahi nito na magkaroon ng pagkakaisa ang mga oposisyon para labanan ang pambato ng kasalukuyang administrasyon sa darating na halalan.