-- Advertisements --
Pasok na sa semifinals ng women’s kickboxing K1-70KG si Hergie Bacyadan sa nagpapatuloy na Chengdu 2025 The World Games.
Ito ay matapos na talunin niya si Valentina Keri ng Hungary.
Muntik ng hindi siya makapasok sa semifinals ng mabigyan ito ng point deduction sa natitirang pitong segundo sa huling round.
Subalit nabaligtad ang desisyson ng ireklamo ng kampo ni Bacyada at tuluyang nakapasok na ito sa semifinals.
Susunod na makakaharap nito si Catarina Dias ng Portugal na gaganapin sa araw ng Miyerkules, Agosto 13.