NAGA CITY – Dumating na sa Lungsod ng Naga si Vice President (VP) Leni Robredo para sa unang uraw ng burol ng kanyang namayapang ina.
Kasama ng 54-year-old vice president ang kanyang panganay na anak na si Aika Robredo.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, isang banal na misa ang isasagawa ngayong gabi sa Eternal Chapels and Mortuary, Eternal Gardens sa Balatas Road sa nasabing lungsod, kung saan nakaburol ang namayapang dating Dean na si Salvacion “Sally” Gerona.
Maliban dito, bukas na rin para sa publiko ang burol subalit ipinagbabawal ang pagkuha ng larawan at ang presensya ng media.
Sa ngayon, wala pang pinal na anunsyo kung kailan ang libing ni Gerona.
Samantala, dumalaw na rin ang ilang malalapit na kaibigan ng pamilya Robredo sa lamay.