-- Advertisements --

Welcome sa Comelec ang mga panukalang pagbabago sa paraan ng pagboto, bilang pag-iingat sa nararanasang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, hindi kailangang ipagpaliban ang halalan dahil may ibang mga paraan naman para makaboto, kahit may kumakalat na sakit.

Kabilang na rito ang “voting by mail” at expanded absentee voting.

Pagbabahagi ni Jimenez, mahigit sa kalahati ng mga botanteng Pinoy sa ibang bansa ang gumagamit ng postal mail para makaboto, kaya tingin nila ay walang magiging problema kung paiiralin din sa ating bansa ang ganitong sistema.

Bukas din aniya ang komisyon sa iba pang mga mungkahi para matuloy at maging matagumpay ang eleksyon.