-- Advertisements --

Inalerto ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang publiko matapos muling magbuga ng asok ang Taal Volcano at magdulot ng volcanic smog o VOG.

Ayon sa ahensya, naitala ang makapal na VOG kaninang alas-2:00 ng hapon.

Nagmula ito sa ibinugang 6,837 tonnes/day na volcanic sulfur dioxide (SO2) gas emission mula sa Taal main crater.

Nakunan pa ng larawan ang usok sa bulkan ng ilang turista sa lugar at maging saTagaytay City sa Cavite.

Kabilang sa mga naapektuhan ng VOG mga bayan ng Agoncillo, Laurel, Balete, Sta. Teresita, Calaca, Mabini, Mataasnakahoy, Lemery, San Nicolas at Talisay sa probinsya ng Batangas.