Nakalikom ng mahigit P1 milyon ang Filipino YouTuber na si Adam Alejo sa ginawa nitong “30-Days Inside a QR Code Box” project.
Sa kabuuan ay nakalikom ito ng P1,587,502 kung saan ang may pinakamalaking nagbigay ng donasyon ay ang kapwa content creator na si Ninong Ry na nagbigay ng P100,000.
Ang P1-M na nalikom na pera ay ibibigay sa mga batang may cancer sa pamamagitan ng non-government organization na Bahay Aruga sa Maynila.
Habang ang sobra ay ibibgay sa kaparehas na organisasyon sa Visayas at Mindanao.
Nagsisilbi kasing bilang temporaryong bahay ng mga batang may cancer ang Bahay Aruga sa loob ng ilang dekada.
Si Alejo ay nanatili sa van na ginawa bilang QR Code Box at bumiyahe ito sa buong bansa para manghikayat ng mga tao na magbigay ng donasyon.