-- Advertisements --

Naghain ng rekamo sa National Bureau of Investigation ang nasa 30 biktima ng vlogger at negosyanteng si Yexel Sebastian dahil sa junket investment scam.

Bukod dito ay nahaharap din si Sebastian ng paglabag sa securities and regulation code.

Sinabi ni Atty. Palmer Mallari, ang hepe ng NBI Fraud and Financial Crimes Division Chief na base sa kanilang computations na umabot sa P50 bilyon ang halagang na-scam sa mga biktima.

Isa sa mga biktima na nakuhanan ng P700,000 ang nagsabing kikita umano ang pera niya ng P35,000 kada buwan at maibabalik ang principal sa loob ng isang taon.

Ilan sa mga biktima ay pulitiko, celebrities, negosyante, empleyado at overseas Filipino workers.

Dagdag pa nila na pinapirma pa sila ng kontrata na pinapalabas na sila ay pinautang at hindi investments ang nasabing pera.