Inihayag ng Department of Information and Communications Technology na plano nilang maisakatuparan na ang pagkakaroon ng geo-position satellite sa bansa.
Kung saan nais umano ng naturang kagawaran na ito’y matapos ng gawin at mai-setup nang sa gayon ay mapakinabangan na ito ng publiko.
Ayon sa kasalukuyang kalihim ng kagawaran na si Secretary Henry Rhoel Aguda, ang pagkakaroon ng ganitong uri ng satellite ay upang mas mapagbuti ang ‘connectivity’ sa bansa.
Makapagbibigay umano ito ng mas malawak na maabot ng koneksyon o signal na magagamit ng mga Pilipino kahit saang lugar o bahagi pa man ng bansa.
Kaya’t dahil dito ay kanila nang minamadali na matapos ng gawin kung saan kanilang isasagawa na ang testing para dito ngayong taon.
Pinangalanan ang naturang ‘geo-position satellite’ na “Agila” sa kolaborasyon nito kasama ang Estados Unidos.
Inaasahan namang makapaghahatid ito ng mas murang serbisyo sakaling maging ‘available’ na sa publiko para magamit na ng tuluyan.