-- Advertisements --

Kinakailangang rebisahin ang mga terminong nasa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ayon kay Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay sa kabila ng magandang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa

Pag-amin ni Marcos, malaking bahagi ng kasunduan sa pagitan ng US at Pilipinas ay ang alalahaning panseguridad ng gobyerno ng bansa.

Ngunit nang dahil aniya sa VFA na namamahala sa pagsasagawa ng military drills and exercises ng mga tropa ng US na nandito sa bansa ay kinakailangan aniya itong muling pag-aralan.

Samantala, bukod dito ay hindi naman na nagbigay pa ng anumang detalye si Marcos hinggil sa mga bagay at bahagi ng nasabing kasunduan ang kaniyang nais i-repaso.

Magugunita na noong 2020 ay una nang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na tatanggalin niya ang VFA dahil sa pagkansela ng US sa visa ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Habang noong taong 2021 naman iminungkahi ng pangulo na dapat ay magbayad ang US sa bansa kung nais nitong panatilihin ang VFA sa Pilipinas sa kadahilanang “shared responsibility” aniya ito na hindi libre.