-- Advertisements --
Umaapela ang Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP) na dagdagan ang mga tauhan sa mga ospital sa Visayas at Mindanao na may mataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Jose De Grano, presidente ng PHAP, nakitaan na ng pagbaba ng kaso sa Metro Manila, kaya maaari nang mag-divert ng ilang health personnel mula rito patungo sa mga lalawigan.
Para kay De Grano, mahalagang matugunan ang problema sa mga pagamutan, bago pa bumigay ang kasalukuyang mga medical frontliners sa high risk areas.
Pinaalalahanan din nito ang mga nasa lugar na niluwagan ang quarantine protocol na huwag maging kampante at pairalin pa rin ang minimum health protocols.