-- Advertisements --
Matagumpay ang unang paglipad ng mga turista lulan ng Virgin Galactic patungo sa dulo ng kalawakan.
Ang rocket ay umabot ng 88 kilometers ng taas.
Kabilang sa mga pasahero nito ay ang dating British Olympian na si Jon Goodwin na bumili ng kaniyang tickets 18 taon na ang nakalipas at mag-ina na mula sa Caribbean.
Matapos ang ilang minuto na nakaranas ang mga pasahero ng walang gravity ay lumapag ang rocket sa runway landing ng Spaceport Americ sa New Mexico.
Unang nabili ni Goodwin ang ticket sa halagang $200,000 at ngayon ang presyo na nito ay P450,000.
Dahil sa tagumpay ay plano ni Virgin owner Richard Branson na magdala ng mga turista sa dulo ng kalawakan kada buwan.