-- Advertisements --

Inanunsyo ng state media ng Vietnam na aalisin na nila ang parusang kamatayan para sa walong krimen simula Hulyo 1, 2025, kabilang ang panunuhol, paggawa ng pekeng gamot, at pagtangkang pabagsakin ang pamahalaan.

Ayon sa ulat ng Vietnam News Agency, unanimous na inaprubahan ng National Assembly ang mga amyenda sa Criminal Code nitong Miyerkules.

Kabilang din sa mga krimeng hindi na papatawan ng death penalty ang espionage, paminsalang paninira sa ari-arian ng estado, pagbebenta ng iligal na droga, at paghahasik ng digmaan o panganib sa kapayapaan.

Sa kabila nito ang pinakamataas na parusa para sa mga naturang krimen ay magiging habambuhay na pagkakakulong na lamang.

Nabatid na lahat ng nauna nang nasentensiyahan ng kamatayan para sa mga nabanggit na krimen ay mailalagay sa habambuhay na pagkaka-bilanggo.

Samantala, sampung krimen ang mananatiling may parusang kamatayan sa bansa, kabilang ang murder, treason, terrorism, at sexual abuse sa mga bata.

Hindi naman inilbas ng gobyerno ang opisyal na bilang ng nasa death row, dahil itinuturing itong state secret. Simula 2011, lethal injection ang ginagamit na pamamaraan ng Vietnam sa death penalty sa halip na firing squad.