-- Advertisements --

Hinatulan ng korte sa Syria ng death in absentia ang pinatalsik na diktador na si Bashar al-Assad.

Kasunod ito sa kaso nitong war crimes at crimes against humanity noong naganap na civil war sa nasabing bansa.

Ito ang unang hatol laban kay Assad matapos ang pagtakas nito patungong Moscow kasama ang pamilya niya.

Lumayas kasi si Assad kasama ang pamilya matapos na kudeta na naganap noong Disyembre 2024 na nagresulta sa pagtatapos ng mahigit limang dekadang panunungkulan ng pamilya nito.

Kasama ring nahatulan ng kamatayan ang pinsan ni Assad na dating namumuno ng political security sa southern Deraa province na si Atef Najib.