-- Advertisements --

Nagdeklara ng state of disaster ang Victoria, Australia dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Kasabay din nito ang pagpatupad ng bagong lockdown measures para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Premier Daniel Andrews na ang bagong panuntunan ay nangangahulugan ng curfew sa mga residente.

Mananatili ang nasabing state of disaster hanggang Setyembre 13.

Aabot kasi sa 671 na bagong kaso kung saan pito na ang nasawi matapos dapuan ng virus.