Umaasa si Vickie Rushton na makukuha na niya ang suwerte sa pangatlong pagsali nito sa Binibining Pilipinas.

Ayon sa beauty queen, itinuturing niyang halimbawa ang si Miss Universe Pia Wurtzbach na makailang beses na sumali sa beauty contest hanggang ito ay magtagumpay.

Dagdag pa nito na mula ng malaman niya na itinaas ng organizer ang edad ng mga puwedeng sumali ay nakita nito na isa ng senyales.

Ang Miss International pageant kasi ay tumatanggap na ng kandidata mula 18 hanggang 28 anyos mas mataas ito sa maximum aged noong 2019 na 27 lamang kung saan magiging 28 anyos pa lamang si Rushton sa buwan ng Mayo.