Hindi na naghain ng guilty plea ang kampo ni Vhong Navarro sa rape case na kinakaharap nito.
Dumalo lamang virtually ang actor habang ang abogado nito na si Atty. Alma Mallonga ang personal na dumalo sa Taguig Regional Trial Court Branch 69.
Payo kasi ng abogado nito na hindi na sila maghain ng not guilty plea dahil sa mayroon pa rin silang nakabinbin na petition para sa review.
Dahil dito ay ang korte na mismo ang otomatikong naghain ng “not guilty” plea para sa actor.
Nagbunsod ang kaso mula sa rape case na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo noong 2014.
Humiling ang modelo na makadalo sa virtual hearing subalit hindi ito pinayagan ng korte.
Kasalukuyang nasa nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang actor mula pa noong Setyembre 19 ng magkasunod na lumabas ang kaniyang warrant of arrest na acts of lasciviousness mula sa Metropolitan Trial Court Branch 116 at Rape case mula sa Taguig RTC Branch 69.
Kinukuwestiyon din ng abogado ng actor ang muling pagbuhay ng kaniyang kaso na walong taon na ang nakakaraan kung saan nauna ng iginiit ng actor na ito ay inosente sa alegasyon inaakusa sa kaniya.