Madonna 2
Madonna / IG post

Nababatikos ngayon ang beteranang singer na si Madonna dahil sa naging pahayag nito tungkol sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sa kaniyang Instagram account, nag-post ito ng video habang nakababad sa bathtub at sinabing ang maganda sa coronavirus ay pinapatunayan ang pagiging pantay-pantay ng mga tao.

Wala aniyang mayaman, sikat o mahirap ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Dagdag pa ng 61-anyos na singer, isa itong isang magandang dulot ng nasabing virus ang pagpantayin ang mga tao sa buong mundo.

Ayon naman sa mga bumabatikos na tila pinapaburan pa ng singer ang paglaganap ng virus.

Dapat aniya ay nagbigay na lamang ito ng payo sa mga tao para ang lahat ay maka-survive.

Tinanggal naman ng singer ang nasabing post matapos ang ilang oras nang makatanggap ng sangkaterbang batikos.