-- Advertisements --
fans crowd NBA phoenix Suns
Phoenix Suns sellout crowd (photo from @Suns)

Nakuha ng Phoenix Suns ang Game 1 sa NBA semifinals sa Western Conference laban sa Denver Nuggets, 122-105.

Nanguna ang veteran point guard na si Chris Paul sa buwena manong panalo na nagpakita ng 21 points at 11 assists kahit kagagaling lamang sa pagpapagaling sa kanyang right shoulder injury.

Sa first quarter hanggang sa third quarter ay naghahabol lamang ang ginawa ng Suns sa Nuggets.

Gayunman pagsapit ng fourth quarter ay hindi na lumingon pa ang Suns.

Malaking tulong din ang ginawa ni Mikal Bridges na nagposte ng 23 points.

Hindi rin nagpahuli sina Deandre Ayton na may 20 points at 10 rebounds habang si Devin Booker ay nag-ambag ng 21 points.

Hindi naman magkamayaw ang 16,319 sellout crowd na bumuhos upang suportahan ang kanilang team.

Ang Game 2 ay gagawin sa Huwebes sa teritoryo pa rin ng Phoenix.

Sa kampo naman ng Nuggets nangibabaw muli si Nikola Jokic na may 22 points pero inalat sa huli.

Kinulang din ang diskarte nina Aaron Gordon na may 18 points at si Michael Porter Jr. na nagtapos sa 15.