-- Advertisements --
Ipapaubaya na lamang ni Department of Health Officer in charge Maria Rosario Vergeire kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pagtatalaga ng permanenteng kalihim ng kagawaran.
Sakaling mapili siya sa posisyon ay kaniyang itutuloy ang mga reporma na ipinapatupad sa DOH at kung sakaling hindi palarin ay handa ito ng makipagtulungan para sa ikakabuti ng kagawaran.
Una ng sinabi ng Pangulo na magtatalaga lamang siya ng kalihim ng DOH kapag balik normal na ang kalagayan ng bansa bunsod ng COVID-19 pandemic.
Si Vergeiere ay naging OIC pa rin ng DOH mula ng umupo si Pangulong Marcos noon pang Hulyo, 2022.