Iginiit ng Palaso ng Malakanyang na apektado ang taumbayan at ang ekonomiya sa ingay at gulo sa Senado.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na partikular na may epekto ang mga nangyayari sa Senado sa pagpasa ng mga prayoridad na panukalang batas.
Kahapon ay hindi nagkaroon ng sesyon ang Senado matapos maaresto si Sen. Jinggoy Estrada.
Mayroon na lamang dalawang araw bago ang sine die adjournment ng first regular session ng 20th Congress.
Pagkatapos nito ay sa Hulyo na muling magbubukas ang sesyon ng mga mambabatas kasabay ng SONA ng Pangulo.
Matatandaang mayroong higit 20 priority bills na inaprubahan si Pang. Marcos sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting.
Kabilang dito ang mga panukalang Anti-Political Dynasty Law, Independent People’s Commission Act, Travel Tax Abolition, at Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Act.










